Para nga lang ba sa mayayaman?
Paano naman ang mga mahihirap?
Boses ng karamihan
Hindi matuunan pansin
Ni pakingan ay di magawa
Magkamali ka at magkasala
Hatulan ka ng walang kalaban laban
Para kang trumpo na hawak-hawak
Na hinahanapan ng pagbabagsakan
Saka itinali at pinaikot-ikot
Hinayaan hanggang mapagod at huminto
Saka na lamang dadamputin
Hindi pang-karapatang pantao
Kundi karapatang pang-gobyerno
Walang pantay na pagtrato
Lahat ay may pinipili
Lahat may pinapanigan
Walang kasalanan ang mayaman
Dahil inyong pinagtatakpan
At siyang nagmamalinis at makapangyarihan
Dinadaan sa haras at salapi
Na ayaw naming matuklasan
Hindi lahat ng nasa taas ay nananatili,
Bagkus ang iba ay bumabagsak at lumalagapak
Kaya matuto kayong tumingin sa lupa
Huwag panay tingala sa kalangitan
Dahil darating ang araw
Na kayo ay mangangawit at yuyuko
Kaya inyong pagkakatandaan
Kailanman ay ‘di nadadala ang yaman sa hukay
Bagkus ang kabutihan ng kalooban mong taglay.